Filipino Survey

A colorful illustration featuring elements of Filipino culture and language, such as traditional Filipino symbols, books, and text in Tagalog, creating a vibrant and educational atmosphere.

Filipino Language Quiz

Test your knowledge of the Filipino language with our engaging quiz! This interactive survey challenges you with a variety of questions about grammar, usage, and common phrases. Whether you're a student or just looking to brush up on your Filipino language skills, this quiz is perfect for you.

  • 94 challenging questions
  • Multiple choice format
  • Instant feedback on your answers
94 Questions24 MinutesCreated by LearningLinguist205
Email:
1.Si Ms. Iceland ay ubod _____ ganda.
Nang
Ng
Tama |

Ang “ng” ay ginagamit kapag ang salitang nasusundan ay pangngalan at panghalip. Sa kabilang banda, ang “nang” ay ginagamit kapag nasusundan ng pang-uri, pandiwa at pang-abay.

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

2.Tama ba ang pangungusap: “Ang husay ng gawa niyang obra, ‘di ba?”
Oo
Hindi
Tama |

Ang “ ‘di ba” ay pinaikling “hindi ba”.

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ang “ ‘di ba” ay pinaikling “hindi ba”.

Bumalik sa pagsusulit
3. Tama ba ang pangungusap: “Ang awiting ito’y handog ko para sayo.”
Oo
Hindi
Tama |

“Sa ‘yo” ay ang pinaikling bersyon ng “sa iyo”

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

“Sa ‘yo” ay ang pinaikling bersyon ng “sa iyo”

Bumalik sa pagsusulit
4.Magdadasal ____ ako para sa grades ko.
Din
Rin
Tama |

Ginagamit ang “din” kapag ang salita bago nito ay nagtatapos sa katinig. Habang ang “rin” naman ay ginagamit kung patinig.

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ginagamit ang “din” kapag ang salita bago nito ay nagtatapos sa katinig. Habang ang “rin” naman ay ginagamit kung patinig.

Bumalik sa pagsusulit
5. Tama ba ang pangungusap: “Anong nangyari sa Battle of the Bands?
Oo
Hindi
Tama |

Ang tamang sagot ay, “Ano’ng nangyari sa Battle of the Bands?” Ang “ano ang” ay pinaikli bilang “ano’ng”.

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ang tamang sagot ay, “Ano’ng nangyari sa Battle of the Bands?” Ang “ano ang” ay pinaikli bilang “ano’ng”.

Bumalik sa pagsusulit
6.Kamusta ka? O Kumusta ka?
Kamusta ka
Kumusta ka
Tama |

Ang tamang sagot ay, “Kumusta ka?” Ito ay hango sa salitang Kastila na “como esta”.

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ang tamang sagot ay, “Kumusta ka?” Ito ay hango sa salitang Kastila na “como esta”.

Bumalik sa pagsusulit
7.Konsensya o Konsensiya?
Konsensya
Konsensiya
Tama | 

Tandaan: Kung may katinig bago ang SY, PY, TY, atbp., dapat lagyan ng “I” sa pagitan ng dalawang letra. Kung ito ay patinig naman, hindi na kailangang lagyan ng “I”.

Iba pang halimbawa: Katinig bago ang SY: PROBINSIYA

Patining bago ang NY: KOMPANYA

8. Isa’t isa o Isa’t-isa?
Isa't isa
Isa't-isa
Tama |

Ang “isa at isa” ay mas pinaikli bilang “isa’t isa”. 

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ang “isa at isa” ay mas pinaikli bilang “isa’t isa”. 

Bumalik sa pagsusulit
9. Tama ba ang pangungusap: “Maghahalo ang balat sa tinalupan sapagkat sakin lang ang asawa ko!”
Oo
Hindi
Tama |

Ito ang kadalasang kamalian ng mga mag-aaral ngayon. Ang salitang “sa ‘kin” ay pinaikling bersyon ng “sa akin”.

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ito ang kadalasang kamalian ng mga mag-aaral ngayon. Ang salitang “sa ‘kin” ay pinaikling bersyon ng “sa akin”.

Bumalik sa pagsusulit
10.Nakakainip ang mga guro. Tama o mali?
Tama
Mali
Tama |

Ang tamang paggamit ay, “Nakaiinip ang mga guro.” Tandaan: Ang inuulit ay ang unang pantig ng salitang-ugat. Sa katanungang ito, ang salitang-ugat ay inip, kaya “nakaiinip” at hindi “nakakainip”.

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ang tamang paggamit ay, “Nakaiinip ang mga guro.” Tandaan: Ang inuulit ay ang unang pantig ng salitang-ugat. Sa katanungang ito, ang salitang-ugat ay inip, kaya “nakaiinip” at hindi “nakakainip”.

Bumalik sa pagsusulit
11.Tama ba ang pangungusap: “Kailan kayo magplaplanong tapusin ang proyekto sa Filipino?”
Tama
Mali
Tama |

Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o kumpol-katinig, ang unang katinig at patinig lamang ang inuulit sa pag-uulit ng pantig.

Halimbawa: plano (magpaplano, hindi magplaplano)

prito (piprituhin, hindi priprituhin)

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o kumpol-katinig, ang unang katinig at patinig lamang ang inuulit sa pag-uulit ng pantig.

Halimbawa: plano (magpaplano, hindi magplaplano)

prito (piprituhin, hindi priprituhin)

Bumalik sa pagsusulit
12.Si nanay daw ang kumuha ng mga aklat sa aklatan. Tama o mali?
Tama
Mali
Tama |

Bagaman katinig ang huling titik na sinundan ng “daw”, hindi ito wasto sapagkat hindi ang baybay ang basehan nito kundi ang bigkas. Ang tamang sagot ay, “Si nanay raw ang kumuha ng mga aklat sa aklatan.”

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Bagaman katinig ang huling titik na sinundan ng “daw”, hindi ito wasto sapagkat hindi ang baybay ang basehan nito kundi ang bigkas. Ang tamang sagot ay, “Si nanay raw ang kumuha ng mga aklat sa aklatan.”

Bumalik sa pagsusulit
13.Si James ay ________.
Taga-Cebu
Taga cebu
Tama | Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng isang pangngalan, hindi ito magbabago ng baybay at marapat na may gitling pagkatapos ng unlapi.
Bumalik sa pagsusulit
Mali | Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng isang pangngalan, hindi ito magbabago ng baybay at marapat na may gitling pagkatapos ng unlapi.
Bumalik sa pagsusulit
14.Pampito o Pangpito siya sa kanilang magkakapatid.
Pampito
Pangpito
Tama |

Ginagamit ang “pang” kung ang sinusundan nitong salita ay nagsisimula sa g, h, k, m, n, ng, w, at y. Habang ang “pan” naman ay ginagamit kapag ang sinusundan nitong ay nagsisimula sa d, l, r, s, at t. “Pam” naman kung nagsisimula sa mga titik b at p.

15.Nakasama ko sila Gio at Kenneth sa kaarawan ni Kayle. Tama o mali?
Tama
Mali
Tama |

“Sila” ang ginagamit kung ang tinutukoy ay dalawa o higit pa at hindi dapat binabanggit ang pangalan sapagkat ito ay isang panghalip na ginagamit panghalili sa mga pangngalan. Samantalang, ang “sina” naman ay ginagamit pantukoy sa dalawa o higit pa at dapat banggitin ang mga pangalan ng tinutukoy.

16.Tama ba ang pangungusap: “Ang pagkamatay ni Kobe Bryant ay umani ng samu’t saring reaksiyon.”
Tama
Mali
Tama |

Walang salitang “samu” sa bokabularyong Filipino! Ang ibig sabihin ng “samot” ay “sari”. Sa ibang salita, ang “samot-sari”, “sari-sari”, at “samot-samot” ay iisa lang ang kahulugan.

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Walang salitang “samu” sa bokabularyong Filipino! Ang ibig sabihin ng “samot” ay “sari”. Sa ibang salita, ang “samot-sari”, “sari-sari”, at “samot-samot” ay iisa lang ang kahulugan.

Bumalik sa pagsusulit
17. Sinu-sino o Sino-sino ang mga sangkot sa krimen?
Sinu-sino
Sino-sino
Tama |

Bagaman mas tanggap nang nakararami ang paggamit ng “sinu-sino”, ito ay hindi tama. Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit ang salitang-ugat. Wasto ang “babaeng-babae” at hindi kailangang “babaing-babae”. Bagkus, ang wastong sagot ay “sino-sino” at hindi “sinu-sino”.

18.Kapag mainit ang panahon, pinakamainam kainin ang halo-halo. Tama o mali?
Tama
Mali
Tama |

Ito ay isa sa mga karaniwang pagkakamali ng mga Pilipino! Ang ibig sabihin ng “halo-halo” ay pinagsama-samang iba’t ibang bagay. At ang popular na pampalamig naman ay binabaybay bilang “haluhalo”. Minsan, ang pagpapalit ng baybay at pag-aalis ng gitling ay nakababago ng kahulugan.

Iba pang halimbawa: salo-salo – magkakasasama at magkakasabay kumain

salusalo – isang piging o handaan para sa maraming tao

bato-bato  paraan ng paglalarawan sa daan na maraming bato

batubato – isang uri ng ilahas na kalapati, ibon

19.Masiyahin si Peter ng siya ay bata pa. Tama o mali?
Tama
Mali
Tama |

Ayon sa panuntunan ng wikang Filipino, ang “ng” ay ginagamit kapag ang salitang sinusundan nito ay isang panghalip o pangngalan. Subalit, sa halimbawang ito, ang kasingkahulugan ng “ng” ay “noong”, datapwat ang baybay ay “nang”.

20.Tama ba ng pangungusap: “Ngayong ika-8 ng Marso ang kaarawan ni Shana.”
Tama
Mali
Tama |

Ginagamit ang gitling upang ihiwalay ang numero sa oras at petsang may “ika” o “alas”. 

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ginagamit ang gitling upang ihiwalay ang numero sa oras at petsang may “ika” o “alas”. 

Bumalik sa pagsusulit
21.Magkikita ang pangkat ngayong alasdos ng tanghali. Tama o mali?
Tama
Mali
Tama |

Kapag ang salitang “alas” ay sinundan ng isang salita at hindi numero, mayroon pa ring gitling sa paggitan ng mga ito. Sa kabilang banda, kapag ang salitang “ika” ay sinundan ng isang salita, wala itong gitling.

Halimbawa: alas-3 ng tanghali o alas-tres ng tanghali

ika-4 ng Hulyo o ikaapat ng Hulyo

Tandaan: Laging binabaybay ang oras na “ala-una”

22.Di-mahanap-hanap ni Ben ang kanyang mga gamit sapagkat siya ay burara. Tama o mali?
Tama
Mali
Tama |

Ginagamitan ng gitling ang salitang pinangungunahan ng “di” (pinaikling hindi) at nagkakaroon ng kahulugang kasalungat ng orihinal nito, malimit sa mapagbiro o mapang-uyam na himig. Samakatuwid, parehong tama ang “ ‘di mahanap-hanap” (na may bantas na kudlit sa ‘di”) at “di-mahanap-hanap (na may gitling at walang kudlit).

23.Kung isasalin ang salitang “karapatan” sa wikang Ingles, ito ay right. Ano ang salitang-ugat nito?
Dapat
Karapatan
Tama |

Ang salitang “karapatan” ay hango sa salitang-ugat na “dapat”.

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ang salitang “karapatan” ay hango sa salitang-ugat na “dapat”.

Bumalik sa pagsusulit
24.Ang salitang-ugat ng “salamuha” ay _______.
Sala
Salamuha
Tama |

Ang salitang “salamuha” ay isang salitang-ugat! Iba ang kahulugan ng “sala”.

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ang salitang “salamuha” ay isang salitang-ugat! Iba ang kahulugan ng “sala”.

Bumalik sa pagsusulit
25.Pupunta ako sa Cebu ______ pupunta ka rin.
Kapag
Kung
Tama |

Ginagamit ang “kapag” kung sigurado (when sa wikang Ingles). Habang ang “kung” ay ginagamit kung hindi sigurado (if wikang Ingles).

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ginagamit ang “kapag” kung sigurado (when sa wikang Ingles). Habang ang “kung” ay ginagamit kung hindi sigurado (if wikang Ingles).

Bumalik sa pagsusulit
26.Nag-lilitsong kawali si Edward kapag may bisita. Tama o mali?
Tama
Mali
Tama |

Ang salitang “litsong-kawali” ay isang tambalang salita. Ang gitling ay dapat nasa pagitan ng dalawang salitang magkatambal. Ang tamang sagot ay “naglilitsong-kawali”.

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ang salitang “litsong-kawali” ay isang tambalang salita. Ang gitling ay dapat nasa pagitan ng dalawang salitang magkatambal. Ang tamang sagot ay “naglilitsong-kawali”.

Bumalik sa pagsusulit
27.Anong uri ng tayutay ang nakasalungguhit sa pangungusap: “Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan.”?
Pagwawangis
Eksaherasyon
Tama | Ang pagwawangis (o simile) ay isang uri ng tayutay na naghahalintulad sa dalawang magkaibang bagay. Habang ang eksaherasyon (o hyperbole) ay isang tayutay na nagmamalabis sa paglalarawan.
Bumalik sa pagsusulit
Mali | Ang pagwawangis (o simile) ay isang uri ng tayutay na naghahalintulad sa dalawang magkaibang bagay. Habang ang eksaherasyon (o hyperbole) ay isang tayutay na nagmamalabis sa paglalarawan.
Bumalik sa pagsusulit
28.“Hinog na ba ang manga?” Ang salitang nakasalungguhit ay halimbawa ng isang ______.
Pang-uri
Pangngalan
Tama |

Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop at pook. Habang an gang pang-uri naman ay naglalarawan sa pangngalan.

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop at pook. Habang an gang pang-uri naman ay naglalarawan sa pangngalan.

Bumalik sa pagsusulit
29.Mabilis tumakbo si Noah kaya nanalo siya sa karera. Ang salitang “mabilis” ay isang _________.
Pang-uri
Pang-abay
Tama |

Ang pang-abay ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Sa halimbawang ito, ang salitang “mabilis” ay inilalarawan ang pandiwang “tumakbo”.

Bumalik sa pagsusulit
Mali |

Ang pang-abay ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Sa halimbawang ito, ang salitang “mabilis” ay inilalarawan ang pandiwang “tumakbo”.

Bumalik sa pagsusulit
30.Alin sa mga salitang nasa ibaba ang may kayariang tambalan?
Ari-arian
Takip-silim
Tama |

Ang salitang “ari-arian” ay inuulit lamang ang salitang-ugat at dinagdagan ng hulaping –an. Samantala, ang salitang “takip-silim” naman ay dalawang saliting pinag-isa ng gitling.

Wakasin ang pagsusulit

{"name":"Filipino Survey", "url":"https://www.supersurvey.com/QPREVIEW","txt":"Test your knowledge of the Filipino language with our engaging quiz! This interactive survey challenges you with a variety of questions about grammar, usage, and common phrases. Whether you're a student or just looking to brush up on your Filipino language skills, this quiz is perfect for you.94 challenging questionsMultiple choice formatInstant feedback on your answers","img":"https:/images/course6.png"}
Make your own Survey
- it's free to start.